BUSABOS NG PUHUNAN
By: Tambisan sa Sining
Intro:
C – Em – F – G (2x) G7
Verse 1:
C Em F G – G7
Kayong sa gabi’t araw ay laging nagpapagal
C Em F G – G7
Kayong sa bawat oras yaman ang niluluwal
Am Em Am Em
Bumubuhay sa puhunan at sistemang sa inyo’y
nagsakdal
Am Em F G – G7
Sa hukuman ng mayaman hinatulang tamad at hangal
Verse 2:
Kayong pinarusahan, maapi habang buhay
Magsilbi at pakainin at bigyan ng karangyaan
Parasitikong naghahari sa lipunang kinasadlakan
Nang ‘yong uri na ang sala manggagawa ng isinilang
Koro:
Am G F C
Ito ay hindi kapalaran na sinabi ng hari at paham
Dm Am F G– G7
Hindi kapalaran, hindi rin pagsubok na sinasabi
ng
simbahan
Am G F C
Ito ay isang kalagayang sinadyang sa inyo ay
gawin
Dm Am
Na dapat wasakin at dapat baguhin
F G C
Ito ang inyong tungkulin
Verse 3:
Wala nang aasahang katarungang daratal
Hangga’t sa ating batas ang salapi’y mas matimbang
Sa dangal at katwiran at sa buhay niyo’t karapatan
Nang malaon ng niyurakan ng panginoong may kapital
(Ulitin ang Koro)
F G C
Makasaysayang tungkulin