Kumustahan
(Titik at musika, E. Acosta )
G C G C
Maulan pa rin dito, tubig kadalasan
G C G C
Ngunit kung minsan naman ay mga bala
Em D G
Kaya’t sa akin ay huwag nang mag-alala
Em D G D G-C
Ikaw naman kaya ay kumusta na?
Maputik pa rin dito
Naaalala ko tuloy
Ang patintero’t habulan nating dalawa
Salamat nga pala sa sapatos na pinadala
Ikaw naman kaya ay kumusta na?
Koro
Em-G-D
Iyapos mo na lang ako kina nanay at tatay
Ikamay sa mga kasamang nariyan pa sa’ting hanay
Ihalik mo na lang ako sa liwasa’t lansangan
Kumusta na? kumusta na?
Mula rito sa larangan
Malamok pa rin dito
Parang di magtatagal ang mga kulisap ng gabi ay kaibigan ko na
Kaya’t sa balat ko’y huwag nang mag-alala
Ikaw naman kaya ay kumusta na?
Malamig pa rin dito
Naaalala ko tuloy ang mga yakap at kulitan nating dalawa
Salamat nga pala sa malong na pinadala
Ikaw naman kaya ay kumusta na?
Ulitin ang koro
Bridge:
(na wala nang nakakaalam ng tono)
A- Am-Bm-B7
Parito’t paroon, alaala at ngayon
Dm-Bm
Walang katapusan ang kumustahan kumustahan