BALIKTAD NA ANG MUNDO
By: Musikang Bayan
Intro:
C D G
Mataas na bundok ngayoy patag
C D G
Disyerto na ang masukal na gubat
Em-Am D C D G
Tag-lamig ay tag-init, tag-ulan ay tag-araw.
KORO:
D C G
Ano ba ito ang gulo-gulo, ang gulo-gulo
D C G
Ano ba ito ang gulo-gulo, ang gulo-gulo
D C G
Ano ba ito ang gulo-gulo, ang gulo-gulo
C D G C D G
Baliktad na ang mundo, baliktad na ang mundo
1st Stanza:
C D G
Mga kriminal ang malaya,
C D G
ang nakakulong walang sala
Em Am
Ang tama ay mali,
D-C D G
ang masama’y mabuti
C D G
Sinungaling ang pinaniniwalaan,
C D G
magnanakaw ang pinagtitiwalaan
Em- Am D C D G
Sa lipunang ito sila’y pinararangalan
(Ulitin ang KORO)
(Do 1st Stanza Chords)
May mamang bugbog sarado,
hawak ng pulis sa braso
Siya’y sumisigaw,
humihingi ng saklolo
Mamamatay-tao’y pinupuri,
ang mga biktima’y sinisisi
Ang naagrabyado sinasampahan ng kaso
(Ulitin ang KORO)
(Do 1st Stanza Chords)
Matuwid ay nasa impiyerno,
baluktot ay nasa palasyo
Anghel nang tumakbo,
halimaw nang maupo
At minsa’y nagsimba ang demonyo,
lumuhod, pumikit parang santo
Matapos magdasal
nagmano kay Obispo.
(Ulitin ang KORO)
(Do 1st Stanza Chords)
Ang mandaraya ay parehas
at ang dagdag ay bawas
Panalo ang talo,
ang peke’y ginawang totoo
Taksil ang ginagawang huwaran,
bayani ang pinarurusahan
Sa halip na Pilipino,
Tsino at Kano ang amo
(Ulitin ang KORO)
(Do 1st Stanza Chords)
Galit sa korap at magnanakaw
at lagi pa n’yang minumura
Ngunit sa mga Marcos
ay todo-suporta
At matapos palayain si Arroyo,
druglord na umamin inabswelto
Utak sa pork barrel scam
ay naging testigo.
(Ulitin ang KORO) – D –A –
D E A
Ekonomiya ay sumusulong
D E A
ang mamamaya’y nagugutom
F#m-Bm E D E A
Ang ayaw sa droga sabog kung magsalita.
E D A
Ano ba ito ang gulo-gulo, ang gulo-gulo (3X)
D E A
Baliktad na ang mundo. (2X)