Category: Andante Arador
Si Jose Percival Estocada, Jr. Ang pangalang kinikilala bilang kumand ng Bagong Hukbong Bayan sa Sentral na Larangan ng Panay sa pagpaparangal kay Ka Vencer.
Bago pa maging hukbo, narekluta siya sa Kabataang Makabayan (KM) sa UP Diliman habang kumukuha siya ng kursong Geodetic Engineering. Gumampan siya nang gawain sa hanay ng mga manggagawa sa Maynila paglabas niya sa unibersidad. At noong 1976, nadeploy na siya sa Sentral Panay kung saan siya ay naging kasapi ng Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) ng BHB. Nang sumampa si Ka Vencer ay kasapi na siya ng Partido.
Bilang intelektwal, malaki ang naiambag niya sa pagbigay ng pag-aaral, panlipunang pagsisiyasat at pagsusuri sa uri (PIPU) sa erya at sa pagbibigay ng oryentasyon sa mga pangmasang organisasyon. Mabilis siyang matuto sa masa at ang pagkamalapit niya dito at sa mga kasama ay naging malaking tulak sa kanyang pagpapanibagong hubog mula sa pagiging petiburges. Masasalamin ito kahit sa kanyang mga likhang sining.
Magaling sa paglikha ng tula, komposo at awit si Ka Vencer at naipon ito sa isang koleksyon, ang War Poems from Panay na inilathala noong 1980. Marami pa sa kanyang mga tula ang nalathala sa iba’t ibang antolohiya. At ang kanyang mga komposisyon ay patuloy pa ring inaawit ng mga kasama hanggang sa ngayon. Kinilala siya na Servando Magbanua bilang makata at Andante Arador bilang kompositor ng mga awit.
Taong 1986, panahon ng huwad na Peace Talk, nang binaril at pinatay si Ka Vencer ng mga ahente ng militar sa Iloilo City, habang gumagampan ng gawain bilang tagapagsalita ng NDF-Panay at gumagabay sa Kawanihan sa Edukasyon at Kawanihan sa Propaganda ng rehiyon.
Mangunguma ako
Mangunguma Ako by: Andante Arador Am E Am Mangunguma akong nabun-ag sa dulom A7 Dm Malulong hinaplos sang hanging…