TANO
Dm – C – Dm
Verse 1:
Dm C Dm
May isang magsasakang Tano ang pangalan
Dm C Dm
Lupa n‘yang sinasaka’y tanging kayamanan
Bb Dm Bb Dm
Minsa’y nagkasakit kaisa-isang anak
Bb Dm C Dm
Naubos ang konting pera’y di pa rin lumalakas
Verse 2:
Dm C Dm
Sa asendero ay nangutang isandaang piso lang
Dm C Dm
Ngunit ito’y madodoble sa anihan babayaran
Bb Dm Bb Dm
At kapag pumalya, madodoble na naman
Bb Dm C Dm
Madodoble nang madodoble hangga’t di mabayaran
Koro 1:
Gm Dm
Tano, Tano
C Dm
Sa gipit mong kalagayan
Gm Dm
Tano, Tano
C Dm
Anong kasasapitan?
Verse 3:
Lumipas ang mga anihang
Sinalanta ng bagyong nagsidaan
Ang pobreng si Tano’y nabaon sa utang
Hanggang ang lupa n‘ya ang naging kabayaran
Verse 4:
May utang pa si Tano nakikisaka na lang
Ilan ang tulad ni Tanong pinahihirapan
Sila’y marami pa ngayon dito sa kanayunan
Ngunit itong si Tano ay biglang naglaho
Nang siya’y makita doon sa kabundukan
Bb Dm Bb Dm
Ngunit itong si Tano ay biglang naglaho
Bb Dm C Dm
Nang siya’y makita doon sa kabundukan
C Dm
Kasama ng sandatahan
Bb Dm C Dm
Siya’y naging mandirigma ng hukbong bayan
Koro 2:
Gm Dm
Ngayon ay lumalaban
C Dm
Si Tano sa gahaman
Gm Dm
Katulad ni Tano
C Dm
Tayo na at lumaban!